Bayaw ni Rodredo paiimbestigahan ng Malacañang dahil sa droga

By Len Montaño August 22, 2018 - 08:32 PM

Inquirer file photo

Humirit ng imbestigasyon ang Malacañang sa alegasyon na ang bayaw ni Vice President Leni Robredo ay sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga sa Naga City.

Ito ay matapos ang pahayag ni dating Naga City Councilor Luis Ortega na ang kapatid ni dating Naga City Mayor at Interior Sec. Jesse Robredo na si Butch Robredo ay may kaugnayan umano sa illegal drugs at nagtatago na ngayon sa U.S.

Sinabi pa ni Ortega na alam ni VP Robredo at ibang lokal na opisyal ang problema sa droga sa syudad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang akusasyon ay dapat talagang imbestigahan.

Importante anyang malaman ang katotohanan dahil naninilbihan sa bayan si Robredo at dapat malaman ang hakbang na ginawa nito sa pagpapatupad ng batas sa sarili nitong lungsod at kamag-anak.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hotbed ng shabu ang Naga City sa gitna ng pagkuwestyon nito sa kakayanan ni Robredo na mamuno sa bansa, bagay na pinalagan ng pangalawang pangulo at ng mga lokal na opisyal ng lungsod.

TAGS: butch, drugs, duterte, jesse robredo, Leni Robredo, naga city, Ortega, Roque, butch, drugs, duterte, jesse robredo, Leni Robredo, naga city, Ortega, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.