Pag-iimport ng galunggong kinastigo sa isang kongresista

By Erwin Aguilon August 22, 2018 - 08:20 PM

Inquirer file photo

Tinawag na anti-poor ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang hakbang ng gobyerno na umangkat ng galunggong, bigas at iba pang agricuktural products.

Ayon kay Casilao, hindi katanggap-tanggap ang hakbang ng pamahalaan para sa bansang napapaligiran ng karagatan at itinuturing ding rice producing country.

Sinabi nito na ang tiyak na tatamaan ng polisiya ay ang mga magsasaka at mangingisda na nabibilang sa mga pinakamahihirap na sektor.

Dahil anya sa ginagawa ng administrasyon at kapag hindi ito nagbago ay lalong magugutom at maghihirap ang mga Filipino.

Idinagdag nito na hindi na natuto ang administrasyong Duterte sa aral ng nakalipas na pamahalaan matapos sumapi sa World Trade Organization.

TAGS: ANAKPAWIS, casilao, gariculture, import, ANAKPAWIS, casilao, gariculture, import

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.