Banta sa buhay at planong kudeta sa pangulo sineseryoso ng PNP

By Isa Avendaño-Umali August 22, 2018 - 06:29 PM

RTVM

Nagsasagawa na ang Philippine National Police o PNP ng beripikasyon ukol sa umano’y banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte, maging sa plano raw ng mga retirado at aktibong military at police officials na patalsikin sa pwesto ang pangulo.

Sa isang press conference, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na bina-validate pa nila ang impormasyon ukol sa death threat sa punong ehekutibo partikular mula sa Central Intelligence Agency o CIA ng Amerika.

Kailangan din aniyang kumpirmahin ito ng kanilang source mula sa intelligence community.

Pagtitiyak ni Albayalde, siniseryoso nila ang seguridad ni Duterte.

Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay kay Duterte, at naririyan naman aniya ang Presidential Security Group o PSG upang tiyakin ang kaligtasan ng pangulo.

Nauna nang sinasabi ni Duterte na gusto raw ng CIA na siya’y mapatay, habang tinututukan din daw siya ng Russia, China, Israel, at Indonesia.

Kaugnay naman sa ouster plot laban kay Duterte, sinabi ni Albayalde na bineberipika rin nila ang alegasyon.

May ulat na sa Oktubre ikinakasa ang Duterte ouster.

TAGS: albayalde, cia, coup, duterte, kudeta, plot, albayalde, cia, coup, duterte, kudeta, plot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.