Duterte umamin na madalas sumakit ang kanyang spinal injury

Inquirer file photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakararanas siya ng perpetual pain o matinding sakit sa katawan dahil sa spinal injury dulot ng pagkaaksidente sa motorsiklo may ilang taon na ang nakararaan.

Ginawa ng pangulo ang pag-amin matapos sabihin ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na comatose na ang punong ehekutibo.

Ayon sa pangulo, mayroon siyang C4 at C7 o cervical vertebrae injury.

kung susukatin aniya ang kanyang sakit na nararamdaman mula one to ten, kung saan ang ten ang pinakamataas, nasa seven aniya ang level ng kanyang sakit na nararamdaman.

Ayon sa pangulo, pinayuhan na siya ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-inom ng painkiller.

Dagdag ng pangulo, ayaw na rin ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña na magpaopera siya para ayusin ang kanyang spinal injury sa pangambang magdulot lamang ng ibang kumplikasyon.

Bilang isang nurse sa ibang bansa, marami na aniyang nasaksihan si Honeylet na hindi naging maayos ang operasyon.

Nagbanta rin aniya ang kanyang mga doktor na kapag nadisgrasya at may naputol na isang nerve ay maaring magresulta ito ng kanyang kamatayan.

Read more...