Duterte: PNP at PDEA agents sa Talisay City sangkot sa droga

By Chona Yu August 22, 2018 - 02:57 PM

Inquirer file photo

Pinaghihinay-hinay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga adik na pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa Talisay City sa Cebu dahil tiyak na mauubos lamang sila.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa harap ng mga kasapi ng League of the Municipalities of the Philippines sa Cebu City, ibinunyag nito na sangkot sa droga ang ilang pulis sa Talisay City pati na ang ilang PDEA agent sa lugar.

Binigyang-diin ng pangulo na ilang PNP personnel at ahente ng PDEA pa mismo ang nasa likod ng operasyon ng drug trade sa nasabing lungsod sa Cebu.

Sa ngayon ay pwede pang mag-enjoy ang mga alagad na batas na sabit sa illegal drugs pero mauubos rin umano ang kanilang swerte ayon sa pangulo.

Nakatikim rin ng mga mura mula sa pangulo ang mga kasapi ng PNP at PDEA sa lugar.

May impormasyon rin ang pangulo na maluluho ang pamumuhay ng mga opisyal na protektor ng iligal na droga pero hindi na umano magtatagal at aanihin rin nila ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

TAGS: cebu, drugs, duterte, Mayors, PDEA, PNP, Talisay City, cebu, drugs, duterte, Mayors, PDEA, PNP, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.