DOJ blangko sa balitang nakalabas na ng bansa si Peter Lim

By Ricky Brozas August 22, 2018 - 12:38 PM

Blangko pa ang Department of Justice (DO) sa ulat hinggil sa sinasabing paglabas ng bansa ni suspected drug lord Peter Go Lim gamit ang backdoor exit.

Ayon kay Justice sec. Menardo Guevarra, wala pang nakakarating sa kanyang impormasyon hinggil sa sinasabing pagrenta ng barko ni Lim sa Palawan patungo ng Malaysia.

Inihayag ni Guevarra na sakali mang totoo ang nasabing report, ipinauubaya na aniya nila sa international law enforcement agencies ang paghahanap sa kanya.

Una nang nagpalabas ang Makati RTC ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Lim kaugnay ng kanyang kasong conspiracy to commit illegal drug trade.

TAGS: department of justice, Peter Lim, Radyo Inquirer, department of justice, Peter Lim, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.