Payo ng Malakanyang sa mga nagpapakalat na comatose na si Pang. Duterte: Magbiti na lang kayo!
Magbiti na lang kayo!
Ito ang naging payo ng Malakanyang sa mga taong walang tigil sa pagpapakalat ng maling imoprmasyon na comatose na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malayong mangyari ang pangarap ng mga kritiko na comatose na ang pangulo dahil masigla ang lagay ng kalusugan ng punong ehekutibo.
Sinabi pa ni Roque na bilang isang prosecutor, batid ng pangulo na kapag nakararanas siya ng matinding karamdaman ay tatalima siya sa nakasaad sa Saligang Batas na ipagbigay-alam sa publiko ang lagay ng kanyang kalusugan.
Pero ayon kay Roque, hindi nakararanas ng anumang karamdaman ang pangulo at pinatunayan niya ito kahapon sa pagharap sa mga mayor sa Cebu City.
Iginiit pa ni Roque na nakita mismo ng publiko na malakas ang pangulo at nakayang nagsalita ng dalawang oras ng nakatayo lamang.
“Well, wala naman po. Pero ang suhestyon ko sa kanila, magbigti na lang po silang lahat, dahil hindi po mangyayari iyong gusto nila. Masigla po ang Presidente, ang Presidente po ay abogado, kung meron siyang matinding karamdaman, susunod po siya sa Saligang Batas, doon po siya magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang kalusugan. Pero nakita naman po natin na imposible po na meron siyang seryosong karamdaman, dahil normal na normal po ang asta kahapon ng ating Presidente,” ayon kay Roque.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na hindi na rin dapat na pag aksayahan pa ng panahon si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na pasimuno ng pagpapakalat ng maling balita na comatose na si Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.