Nagbigay ng lecture sa mga elementary student ng Longos Elementary School sa malabon si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque kaugnay sa sakit na dengue at leptospirosis.
Tinuruan ni Duque ang mga mag-aaral kung paanong makakaiwas sa nasabing mga sakit.
Base sa datos ng DOH, tumaas ng mahigit 300 percent ang kaso ng lepstopirosis sa buong bansa dahil sa mga naranasang pagbaha at hindi tamang paghahakot ng basura.
Sa Metro Manila, umabot na sa 1,227 ang kaso ng leptospirosis habang 2,229 naman sa buong bansa.
Sa bilang na ito 218 ang namatay, 92 dito ang nagmula sa NCR.
Samantala, bahagya namang tumaas ng kaso ng dengue sa buong bansa, mula 70,644 nung January 1 hanggang August 4, 2017 ay tumaas ito ng 75,297 ngayong 2018 sa parehong panahon.
Nagpapaalala naman si Duque na iwasan ang lumusong sa baha at panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran.