DILG OIC Año, ipadadala ni Pang. Duterte sa West PH Sea kapag sinolo ng China ang exploration sa lugar
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasabak niya sa West Philippine Sea si Department of Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año kapag itinuloy ng China ang exploration sa oil at uranium.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Cebu City, sinabi nito na makikita ng China si Año na may dalang itak at pagtatatagain ang mga Chinese.
Ayon sa pangulo, kahit na kaibigan niya si Chinese President Xi Jinping, hindi siya magdadalawang-isip na makipaggiyera sa China kapag sinolo ang exploration sa West Philippine Sea.
Sinabi pa ng pangulo, na malinaw niyang sinabi kay Xi na ididiga niya ang naging ruling ng United Nations Tribunal na sa Pilipinas ang ilang isla sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.