Hidilyn Diaz nagpasalamat sa pamilya at mga tagasuporta

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 22, 2018 - 10:36 AM

Nagpasalamat si Hidilyn Diaz sa kaniyang pamilya at mga tagasuporta matapos magwagi ng gitong medalya sa ASIAN Games.

Ayon kay Hidilyn, masaya siya sa naging resulta ng laban na bunga ng kaniyang mga sakripisyo habang sumasailalim sa training.

Pinasalamatan din ni Diaz ang kaniyang pamilya at ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission sa ibinibigay na suporta sa mga atleta.

Sa pagkakapanalo ng gintong medalya, mag-uuwi din si Diaz ng P6 milyon na aniya ay gagamitin niya para makapagtayo ng negosyo.

Ang iba aniya ay itatago niya bilang ipon at ang iba ay gagamitin niya para mag-celebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan.

 

TAGS: hidilyn diaz, Radyo Inquirer, weightlifting, hidilyn diaz, Radyo Inquirer, weightlifting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.