Pagdakip sa 3 abogado sa Time Bar sa Makati, pinaiimbestigahan sa kamara

SPD Photo

Pinaiimbestigahan ni 1-Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro sa kamara ang ginawang pag-aresto ng Makati City Police sa tatlong abogado sa ginawang raid sa Time Bar sa Makati City.

Ayon kay Belaro, highly irregular ang ginawang pag-aresto ng pulisya sa mga abogado na ginagawa lamang naman ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang kliyente.

Nais ni Belaro na malaman sa imbestigasyon in aid of legislation ay nagkaroon ng seryosong implikasyon sa basic constitutional rights ng isang indibidwal partikukar sa right to counsel, rights under custodial investigation at right to due process.

Iginiit nito na hindi na dapag maulit ang ganitong pangyayari kung mapapatunayan na ang nasabing mga abogado ay naroon lamang sa lugar upang gampanan ang kanilang trabaho dahil magkakaroon ito ng chilling effect sa rule of law ng bansa.

Naniniwala ang mambabatas na kung lalabas na wala namang ginawang labag sa batas ang mga inarestong abogado kailangan na ng Kongreso na gumawa ng bagong batas upang maiwasan na ang kaparehong insidente.

Samantala, nagtataka naman ang mambabatas kung bakit sinampahan ng reklamong constructive possession of illegal drugs ang tatlo gayung kinuha lamang naman ang serbisyo ng mga ito ng mga may-ari ng bar.

Naniniwala si Belaro na maaring sampahan ng reklamo sa NAPOLCOM at kasong direct assault ang mga pulis sa husgado na umaresto sa tatlong abogado bilang ang mga ito ay officers of the court.

Read more...