Joint circular ng COA, DBM at CSC magdudulot ng mass lay off sa gobyerno ayon sa Makabayan bloc sa kamara

By Erwin Aguilon August 22, 2018 - 09:59 AM

Nababahala ang Makabayan Bloc sa kamara na mauwi sa malawakang tanggalan sa mga manggagawa sa gobyerno dahil ang joint circular ng Civil Service Commission, Commission on Audit at Department of Budget and Management.

Ayon kina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at France Castro, magreresulta sa mass layoff ng mga job order at contractual employees sa pagtatapos ng taong 2018 ang nasabing joint circular.

Paliwanag ng mga ito, gagawing institutionalize ng kautusan ang agency hiring ng mga manggagawa.

Nakakadismaya ayon kay Tinio na sa kabila ng mga panawagan laban sa endo ay ang gobyerno pa mismo ang nagpapalawak ng agency hiring ng mg manggagawa.

Sampal din anila ang kautusan sa nasa 27 porsyentong workforce ng gobyerno na gawing regular sa kabila ng mayroong 264,000 na ang bakanteng posisyon.

Sa ngayon, mayroong tinatayang 600,000 kawani ng pamahalaan ang may contract of service at job order.

TAGS: COA, csc, DBM, House of Representatives, COA, csc, DBM, House of Representatives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.