3 Chinese nationals arestado sa pagdukot sa kapwa nila Chinese

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 22, 2018 - 09:40 AM

Inquirer file photo

Arestado ang tatlong Chinese nationals makaraang dukutin ang isang kapwa nila Chinese sa Makati City.

Ang tatlong suspek ay kinilalang sina Wana Ping, Yuan Jun at He Ping.

Ayon sa Makati City police, dinukot umano ng tatlo ang kapwa nila Chinese na si Chao Yu sa bahay nito sa Chino Roces Avenue sa Barangay Pio Del Pilar.

Matapos ito ay nagdemand ang tatlong dayuhan ng P300,000 na ransom mula kay Yu.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang isang malapit kay Yu na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa isang condominium building sa Chino Roces Avenue.

Nakuha mula sa tatlo ang P100,000 na initial ransom na ibinigay ng mga kaanak ni Yu.

Mahaharap sa kasong kidnapping for ransom ang tatlo.

TAGS: Chinese Nationals arrested, kidnapping for ransom, makati city, Radyo Inquirer, Chinese Nationals arrested, kidnapping for ransom, makati city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.