15 Filipino boat captains na nakulong sa Indonesia nakabalik na sa bansa

Napauwi na ng bansa ang labinglimang Filipino na pawang fishing boat captains na nakulong sa Indonesia daihl sa ilegal na pangingisda.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) pinalaya ng mga otoridad sa Indonesia ang 15 Pinoy makaraang mapanilbihan na nila ang parusang limang buwan na pagkakabilanggo.

Nagpasalamat naman ang mga boat captain sa Consular Office ng Pilipinas sa ginawang pagtulong sa kanila.

Ayon kay Consul General Oscar Orcine, pinagkalooban din sila ng P5,000 na tulong bago sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.

Maliban sa mga boat captain, mayroon ding limang iba pang Pinoy na overstaying na sa Indonesia ang napauwi ng Pilipinas.

Read more...