Pinoy na Pari sa Texas nawawala matpaos akusahan ng pangmomolestya at pagnanakaw

AP Photo

Nawawala ang isang Pinoy na Pari sa Texas, USA na inaakusahan ng pangmomolestya at pagnanakaw mula sa kaniyang pinagsisilbihang parokya.

Sa ulat ng The Dallas Morning, pinaniniwalaan ng pamunuan ng St. Cecilia Catholic Church na umuwi ng Pilipinas si Rev. Edmundo Paredes.

Si Paredes ay nanilbihan bilang pari sa St. Cecilia Parish sa loob ng 27-taon.

Noong August 19, inihayag sa isang press conference ni Bishop Edward Burns na si Paredes ay inireklamo sa Dallas police ng sexual abuse.

Mayo taong 2017 nang simulan ng simbahan ang imbestigasyon kay Paredes makaraang akusahan naman ito ng pagnanakaw ng $60,000 hanggang $80,000 na cash mula sa parokya.

Mula noong June 2017 ay inalis na ito sa parokya at sinuspinde na sa ministry.

Noon lamang February 2018 nang matuklasan ng mga opisyal ng St. Cecilia na si Paredes ay nangmolestya ng tatlong teenager na lalaki.

Read more...