Presyo ng galunggong umabot na sa P160 ang kilo
Tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng galunggong.
Sa Paco Market sa Maynila, P160 na ang kada kilo ng galunggong.
Sa Tejeros Market naman sa Barangay La Paz, Makati City ang presyo ng nasabing isda ay nasa pagitan ng P140 hanggang P150 kada kilo.
Local na galunggong ang ibinebenta sa naturang mga palengke at sa Malabon o Navotas sila humahango.
Umaaray naman ang mga nagtitinda ng isda dahil dalawang linggo na anilang matumal ang benta.
Sa sobrang taas kasi anila ng presyo ay bibihira na ang namimili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.