Jackpot prize na P406M sa Ultra Lotto hindi pa rin napapanalunan

Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit P406 million na jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang nakakuha sa winning combination na 53-10-52-19-08-58, Martes ng gabi.

Dahil dito, posibleng umabot na sa P416 milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto.

Samantala, sa Super Lotto 6/49 naman, isang bettor ang nakapanalo ng P47 million na jackpot.

Nakuha ng nasabing bettor ang winning combination na 29-17-09-19-28-04.

Read more...