Alyas Joker, 5 iba pa, huli sa buy-bust sa Caloocan

Aarestado ang anim na katao matapos magpositibo sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Barangay 12, Dagat-Dagatan sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nahuli na sina Maribelle Villa alyas Neng, 42 anyos; Jonathan Nava, 24 anyos; Mary Rose Tayabay alyas Bhembhem, 29 anyos; Erly Dejucos, 58 anyos; Manny Carlos alyas Joker, 32 anyos at si Patricio Nava, 23 anyos.

Ayon sa ulat ng District Special Operation Unit at District Drug Enforcement Unit ng NPD, target ng kanilang operasyon si Erlyn na tulak ng ilegal na droga sa lugar.

Pero nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip ng limang iba pang kasamay nito.

Nakuha mula sa mga suspek ang 9 na piraso ng maliliit na plastic sachets na hinihinalang shabu, buy-bust money at drug paraphernalia.

Read more...