LPA posibleng mabuo sa kanluran ng Luzon ayon sa PAGASA

By Rhommel Balasbas August 22, 2018 - 06:41 AM

Isang cloud circulation sa may Kanluran ng Luzon ang binabantayan ng PAGASA ngayon at posibleng maging low pressure area (LPA) sa mga susunod na araw dahil nasa ibabaw pa ito ng katubigan.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ngayong araw, patuloy na makakaapekto ang hanging Habagat sa western section ng Luzon.

Makararanas ng maulap na kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Magandang panahon naman ang mararanasan sa kabuuan ng Visayas at Mindanao na makararanas lang ng mga pag-ulan dulot din ng localized thunderstorms.

Samantala, patuloy pa ding binabantayan ng PAGASA ang dalawang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsbility (PAR).

Ang Typhoon Soulik ay huling namataan sa Hilaga-Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon habang ang Typhoon Cimaron ay huling namataan sa Silangan-Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Parehong hindi na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang dalawang bagyo.

Nakataas ang gale warning sa mga karagatan ng Batanes, Babuyan, Northern Coast ng Cagayan at Ilocos Norte.

TAGS: CAR, low pressure area, PAR, Radyo Inquirer, CAR, low pressure area, PAR, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.