Northern Venezuela niyanig ng magnitude 7.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang karagatang sakop ng northern Venezuela.

Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center naitala ang lindol sa karagatan ng Sucre at naramdaman din ang malakas na pagyanig sa Tobago Region, Trinidad and Tobago, St. Lucia Region, at Aragua.

Unang itinala ng US Geological Survey sa magnitude 7.3 ang naturang pagyanig.

Agad namang naglabasan ng gusali at bahay ang mga residente nang maramdaman ang pagyanig.

Ayon sa ilang netizens, tumagal ng 20 segundo ang naramdaman nilang pagyanig ng lupa at kita nilang nag-uugaan ang mga bahay at mga sasakyan.

Wala pa namang inilalabas nab anta ng tsunami sa kabila ng malakas na lindol.

Ayon sa PTWC, maliit ang tsansa na magdulot ito ng tsunami waves sa mga baybayin na kalapit ng sentro ng lindol.

Read more...