Sa kanto ng Quezon Avenue at Timog Avenue sa Lungsod Quezon, makikita ang bantayog ng yumaong senador at dito’y nagpadala ng bulaklak ang Palasyo ng Malacañan katabi ang mga inalay na mga bulaklak ng Quezon City government at ng iba’t ibang organisasyon.
Dumating din sa lugar ang mga opisyal ng Quezon City, ganun din ang mga opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) para magbigay-galang sa bantayog ni Ninoy.
Sa kabilang bahagi naman ng Tomas Morato Avenue ay nagdiwang ang mga kababaihan ng National Breastfeeding Month.
Ang Association for the Rights of Children in Southeast Asia (ARCSEA) kasama ang mga breast feeding advocates at lactating mother mula sa lungsod ng Marikina ay ipanakita ang kahalagahan ng pagpapasuso ng ina sa kanilang mga sanggol lalo na sa panahong ngayon na nagtaasan na ang mga pangunahing bilihin, lalo na ng gatas.
Kaya sinusulong nila na maging kasanayan sa bansa ang breast feeding, kaysa sa umasa sa mga gatas na galing sa hayop.