Dating konsehal ng Naga City sinabing talamak sa droga sa lungsod
Humarap sa media ang isang dating konsehal ng Naga City, para patotohanan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak sa bawal na gamot ang syudad.
Ayon kay dating City Councilor Luis Ortega, mismong ang kapatid ng yumaong dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang protektor ng mga drug lord sa Naga City kaya hindi nalalansag ang bawal na gamot sa lungsod.
Aabot din umano sa 75 na iba’t ibang kaso ang sinampa sa mga Robredo sa Naga City, ngunit mahigit 29 dito ang naibasura na.
May hawak rin umanong dokumento si Ortega na magpapatunay ng pagiging talamak sa droga ng Naga City.
Sinabi pa ni Ortega, na sa 27 mga barangay ng Naga, 13 na mga barangay ang talamak ang bawal na gamot.
Tahasan pang sinabi ni Ortega na nirerecycle din umano ang mga drogang nakukuha ng local Philippine National Police (PNP) at Philipinne Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lugar, habang marami na rin umano ang pinapatay sa Naga City na may kinalaman sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.