3 toneladang krudong dala ng Xiamen Air pangunahing problema sa pagtanggal nito sa runway — CAAP

Nasa 3 toneladang flammable fuel ang dala ng eroplano ng Xiamen Air kaya hindi agad ito natanggal sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Civil Aviation Authoriry of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, bukod sa masamang panahon at mabigat mismo ang eroplano, ang Xiamen flight MF8667 ay maraming dalang krudo, dahilan kaya naging maingat sila sa pagtanggal sa eroplano.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ipinaliwang ni Apolonio na natanggal ang isang makina at isang set ng mga gulong ng eroplano at bumaon ito sa malambot na bahagi ng runway.

Ito aniya ang naging problema dahil masyadong mabigat ang eroplano kaya nahirapang mailagay ang lifter sa ilalim.

Kailangan aniyang i-angat nang kaunti ang eroplano pero ang problema ay nasa ilalim ang 3 tonelada ng krudo.

Dagdag ng CAAP official, hindi nila agad naipaliwanag ang problema para hindi matakot ang publiko.

Sinikap anya ng CAAP na tanggalin agad ang eroplano pero inuna nila ang kaligtasan ng mga tao. Pero naging mahirap aniya ang pagtanggal dahil maliit na mali lamang ay trahedya ang pwedeng mangyari.

Read more...