DFA magbibigay ng P5,000 sa OFWs na naapektuhan ng NAIA runway closure

By Rhommel Balasbas August 22, 2018 - 04:00 AM

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay ito ng P5,000 sa mga overseas Filipino workers (OFW) na naapektuhan ng 36 na oras na pagsasara sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na mula ngayong araw, August 22 hanggang hapon ng August 24, Biyernes ibibigay ang financial assistance.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, naiintindihan ng kagawaran na marami pa rin sa mga OFWs ang stranded at walang kakayahang tustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Sinabi pa ng kalihim na sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay kanilang tinutugunan ang mga pangangailan ng mga stranded OFWs.

Mula mamayang alas-3 ng hapon at mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon bukas at sa Biyernes ay maaaring personal na kunin ng mga OFWs ang financial assitances mula sa mga opisina ng Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) sa third floor ng DFA Building sa Roxas Boulevard at sa NAIA Terminals 1, 2 at 3.

Samantala, iginiit din ng DFA na handa ang kanilang mga embahada na maglabas ng mga sertipikasyon na magpapaliwanag sa mga foreign employers tungkol sa naging dahilan ng pagkakaantala ng pagdating ng mga Pinoy workers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.