Ex-PNoy naniniwalang kayang pamunuan ni VP Robredo ang bansa
Tiwala si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na kayang pamunuan ni Vice President Leni Robredo ang Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gugustuhin niya sina Sen. Francis Escudero at dating Senador Bongbong Marcos na pumalit sa kanya.
Sa sidelines ng paggunita sa 35th death anniversary ni Ninoy Aquno, sinabi ni Noynoy na lubha siyang kumpyansa na kaya ni Robredo na maging pangulo.
Matatandaang nauna na ring ipinagtanggol ng kampo ni Robredo ang bise presidente.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, kaya ni Robredo na mamuno sakaling mabigyan ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang mga kwalipikasyon at abilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.