Pangulong Duterte tiniyak na ubos na ang mga shabu lab sa bansa

By Chona Yu August 22, 2018 - 12:54 AM

Wala nang shabu laboratory sa bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, pawang imported na iligal na droga na ang pumapasok sa Pilipinas na galing sa Bamboo Triad na isang organized crime group sa Taiwan.

Ayon sa pangulo, nahihirapan na ang mga drug lord na magtayo ng shabu laboratory sa Pilipinas dahil masyado na itong mapanganib para sa kanila.

Giit ng pangulo, batid kasi ng mga drug lord na papatayin sila kapag natyempuhan ng mga otoridad.

Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam sa mga pa-drama-drama ng mga taga-human rights group dahil pursigido siyang labanan ang problema sa iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.