Nalaman na ang pagkakakilanlan ng isang babae na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa live video na ipinost ni Special Assistant to the President Bong Go noong Lunes.
Ang naturang live video ay isinagawa upang pasinungalingan ang mga haka-haka tungkol sa kalusugan ng pangulo.
Nakilala na ang babae na una lamang pinangalanan ng pangulo na ‘Vernice’ at sinabing ito ay mula sa Harvard University.
Ang babaeng ito ay si Frances Veronica ‘Vernice’ Victorio na isa dating commissioner ng Climate Change Commission.
Ang dating opisyal ay itinalaga ni dating pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa ahensya noong 2016.
Pinalitan ni Victorio si Mary Ann Lucille Sering na itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Samantala, sa live video, matatandaang nagbiro pa ang pangulo na talagang babangon siya sa pagka-comatose kung ang makikita ay si Victorio.