Mga eroplanong galing US basura umano ayon sa pangulo

By Chona Yu August 22, 2018 - 02:31 AM

Sinisisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos kung kaya maraming Pilipinong piloto ang namamatay sa bansa.

Ayon sa pangulo, imposible na pilot error ang dahilan ng pagbagsak ng mga eroplano sa Pilipinas.

Masyado aniyang magagaling ang mga Pilipinong piloto para magkamali sa pagpapalipad ng eroplano.

Paliwanag ng pangulo, mga basura kasi ang ibinibigay ng Amerika na mga sasakyang panghimpapawid.

May mga pagador aniya na pinalalabas na bago ang mga eroplano gayung inayos lang naman at pinakintab.

Naglabas din ng himutok ang pangulo dahil binatikos ng Amerika ang balak sana ng Pilipinas na bumili ng submarine sa Russia.

Babala kasi ng Estados Unidos, maaaring maapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa kapag itinuloy ng Pilipinas ang pagbili ng submarine sa Russia.

Ayon sa pangulo, target niyang magkaroon ng submarine ang Pilipinas para maiangat man lang ang spirit at morale ng mga sundalo.

Inihalimbawa ng pangulo ang Malaysia na mayroong anim na submarine, Thailand na may anim din, at Indonesia na may sampung subamarine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.