Mga phonecalls para kay Pangulong Duterte minomonitor ng ibang mga bansa

By Chona Yu August 22, 2018 - 01:24 AM

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga matatanda na huwag nang gumamit ng mga touch screen na cellphone kung hindi rin lang naman kabisado.

Paliwanag ng pangulo, tiyak na mapapahamak lamang ang mga ito kapag hindi kabisado ang paggamit sa makabagong unit ng cellphone.

Inihalimbawa ng pangulo ang kanyang sarili na gumamit ng touch screen na cellphone at nagkamaling maipadala ang mensahe sa lahat.

Ginagamit na lamang niya ang bagong cellphone para sa mga pictures.

Ayon sa pangulo, bugok siya at matanda na hindi na matututong gumamit ng bagong cellphone.

Sinabi pa ng pangulo na mas gusto niyang gamitin ang mga lumang unit ng cellphone dahil mas madali itong gamitin.

Bukod dito, mahihirapan din aniya ang nasa intelligence community na maintercept ang kanyang mga tawag.

Kabilang aniya sa nagmomonitor sa kanyang mga tawag ang Amerika, Russia, China, Israel, at Indonesia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.