Ikinakasang plunder case laban kay VP Robredo, handa niyang harapin

Hindi uurungan ni Vice President Leni Robredo ang anumang kaso na isasampa laban sa kanya.

Yan ang pagtitiyak ng Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, kasunod ng ikinakasang plunder case laban sa bise presidente kaugnay sa umano’y sub-standard na public establishment sa Naga City.

Batay sa alegasyon ni dating Naga City councilor Luis Ortega, kabilang sa ipinagawang proyekto ni Robredo noong congresswoman pa siya sa Naga City ay isang tulay na madali raw masira gayung nagkakahalaga ito ng P200 million.

Kaya banta ni Ortega, maghahain siya ng plunder charges laban kay Robredo sa Office of the Ombudsman. Alegasyon pa nito, talamak ang ilegal na droga sa Naga City.

Pero ayon kay Gutierrez, tiwala sila na maayos ang lahat ng proyekto ni Robredo sa Naga City.

Welcome daw sa Robredo camp kung makakapaglabas ng mga ebidensya si Ortega laban sa VP, dahil handa silang pasinungalingan ang mga ito.

Naniniwala naman si Gutierrez na paninira lamang ang mga akusasyon laban kay Robredo, kabilang na rito “hotbed” ng shabu na remarks ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...