Duterte sa Visayas Mayors: ‘Improve your performance’

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde sa Visayas na lalong pag-ibayuhin ang pamamahala sa kani-kanilang mga lungsod at bayan.

Sa talumpati ng pangulo sa Visayas Island Cluster Conference of the League of Municipalities in the Philippines (LMP) sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City, sinabi ng pangulo na dapat ay maging maganda ang performance ng mga alkalde sa pamamahala dahil siya ang inirerepresenta ng mga ito.

Nagbabala naman ang presidente sa mga alkalde na huwag makipag-alyansa sa mga kaaway ng estado o hindi kaya ay pumasok sa korapsyon at kalakaran ng droga.

Sakali anyang mangyari ito ay mawawala ang kapangyarihan ng mga alkalde sa kanilang pulisya.

Ayon sa pangulo, hahabulin niya ang mga alkalde, mga opisyal ng pulisya at PDEA na masasangkot sa droga.

Inihayag ng pangulo ang pagkadismaya sa sinasabing pagkakaugnay sa droga ng ilang mga opisyal ng PDEA at pulisya sa Cebu.

Iginiit din ng presidente na lubog sa iligal na droga ngayon ang Talisay City.

Samantala, sinigurado rin ng pangulo sa mga alkalde na magkakaroon ng malinis at tapat na halalan sa susunod na taon.

Tiniyak ng pangulo na ikakampanya niya ang mga alkalde na may magandang performance sa pamamahala at bibigyan ito ng mga proyekto.

Read more...