Pope Francis nakatakdang makipagkita sa mga biktima ng sexual abuse sa Ireland
Sa pagbisita ni Pope Francis sa Ireland sa darating na weekend ay inaasahan itong makikipagkita sa mga biktima ng pang-aabuso.
Ayon sa tagapagsalita ng Vatican na si Greg Burke, layunin ng Santo Papa na talakayin ang mga tunay na nangyayari sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga sexual abuse. Nais umano kasi ni Pope Francis na pakinggan ang kwento ng mga biktima.
Kilala ang bansang Ireland na lugar kung saan mayroong kasaysayan na ang mga pari ang gumawa ng pangmomolestya at panghahalay sa mga bata, at pinagtakpan ito ng kanilang mga obsipo.
Maituturing namang kasaysayan ang pakikipagkita ng Santo Papa sa mga biktima ng sexual abuse dahil ngayon pa lamang ito gagawin.
Nakatakda ring mag-alay ng panalangin sa St. Mary’s Cathdral sa Dublin, Ireland si Pope Francis para sa mga biktima ng pang-aabuso.
Nauna nang nakipagkita sa mga sexual abuse victims sa Philadelphia, Chile, at Vatican si Pope Francis. Ngunit hindi naman ito nakipagkita sa mga biktima sa Mexico noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.