Unang ginto ng Pilipinas sa 2018 Asian Games nasungkit ni Hidilyn Diaz

By Den Macaranas August 21, 2018 - 08:18 PM

AP photo

Nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahang medalyang ginto sa pagpapatuloy ng 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay sa pamamagitan ng Olympian na si Hidilyn Diaz na na pambato ng bansa sa women’s 53 kilogram weightlifting event.

Pinangunahan ng Rio Olympics silver medalist ang hanay ng mga kababaihang kasali sa nasabing sporting event na ginanap sa Jakarta International Expo Hall A.

Nauna dito ay inamin ni Diaz na matindi ang pressure sa kanyang hanay dahil makakaharap niya ang pambato ng Thailand na si Sopita Tanasan na nanalo ng gintong medalya sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.

Pero nangako naman ang 27-anyos na atleta na gagawin niya ang lahat para makapagdala ng gintong medalya para sa Pilipinas.

TAGS: Asian Games, hidilyn diaz, indonesia, Jakarta, olympian, weighlifting, Asian Games, hidilyn diaz, indonesia, Jakarta, olympian, weighlifting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.