CHR pumalag sa fake news sa imbestigasyon sa PNP

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2018 - 04:10 PM

Youtube

Pinalagan ng Commission on Human Rights o CHR ang lumabas na “fake news” kung saan binanggit na kakasuhan daw ng komisyon ang mga pinuno ng Philippine National Police dahil sa pagpapahiya sa mga pulis.

Partikular na binanggit sa artikulo ang presentasyon sa media nina PNP Chief Oscar Albayalde at NCRPO Chief Guillermo Eleazar kay PO1 Jeffrey Amador na naaaresto dahil sa pambubugbog sa kanyang misis at pagkakasabit sa iligal na droga.

Ang titulo ng balita ay “CBCP, CHR to file charges against Albayalde, Eleazar for Shaming Addict Rookie Cop.”

Lumabas din sa social media ang ilang video na kitang galit sina Albayalde at Eleazar kay Amador.

May netizens na pumuri sa dalawang opisyal ngunit mayroon ding umalma.

Pero sa isang statement, sinabi ni Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, na walang katotohanan ang ulat na magsasampa ng kaso ang kanilang tanggapan laban kina Albayalde at Eleazar.

Ayon kay de Guia, kinokondena ng CHR ang naturang fake news, na nagtatangkang sirain o malihis ang mandato at aksyon ng komisyon.

Giit ni de Guia, hindi magpapa-impluwensya o mapipilit ang CHR, at sa halip ay mananatiling tapat sa kanilang mandato at pananatilihin ang integridad ng isinasagawa nilang imbestigasyon.

Apela naman ng CHR sa publiko, maging vigilant o mapagmatyag sa pag-alam sa katotohanan at huwag basta-bastang maniniwala sa fake news.

TAGS: albayelde, amador, CHR, de guia, fake news, PNP, albayelde, amador, CHR, de guia, fake news, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.