Mayor Duterte: Facebook ni Joma kontrolado ng kanyang mga alalay

Maaring ang caretaker na lamang ni Communist Party of the Philippines founding chariman Jose Maria Sison ang nangangasiwa sa kanyang Facebook account.

Pahayag ito ni Davao City Mayor Sara Duterte matapos ang akusahan ni Sison na na-comatose na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng alkalde na hindi kasi malayong akusahan naman ni Sison sa mga susunod na pagkakataon na alien na si Pangulong Duterte.

Hindi naiwasan ni Mayor Sara na gunitian na ilang taon na ang nakararaan na pinadalhan siya ni Sison ng chocolate at liham.

Ipinaliwanag ng opisyal na nakapagtatakaka na pinadalhan siya ni Sison ng chocolate at sulat gayung hindi naman sila gaanong magkakakilala.

“It was a surprise because I did not think he knew me then, nevertheless, the message was rational and pleasant. His recent Facebook posts about the dying PRD is not rational and napaisip ako kung siya ba ang nagpost or baka caretaker nalang ni Joma”, ayon pa kay Mayor Duterte.

 

Read more...