Ex-PNoy mangunguna sa kampanya ng oposisyon sa 2019 election

By Den Macaranas August 21, 2018 - 03:20 PM

Inquirer file photo

Sinabi ni dating Pangulong Noynoy Aquino na magiging abala siya sa mga susunod na buwan sa pangangampanya para sa senatorial candidates ng oposisyon.

Kasabay nito ay nilinaw ng dating opisyal ang isyu kaugnay sa posibilidad ng pagtakbo niya bilang senador sa 2019 midterm elections.

Ipinaliwanag ni Aquino na hindi siya tatakbo bilang senador at hindi rin umano niya itataas ang kanyang sarili.

Umaasa rin ang dating lider na makakabuo ng malakas na line-up ang oposisyon sa pangunguna ng Liberal Party.

Nauna nang sinabi ni Liberal Party President Sen. Kiko Pangilinan na quality at hindi quantity ang kanilang magiging basehan sa pagpili ng mga isasama sa senatorial line-up ng kanilang Partido.

TAGS: 2019 elections, liberal party, Noynoy Aquino, panilinan, Senator, 2019 elections, liberal party, Noynoy Aquino, panilinan, Senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.