Buhay ni Ninoy hindi nasayang ayon sa dating pangulo

By Den Macaranas August 21, 2018 - 03:17 PM

Inquirer photo

Nagpasalamat si dating Pangulong Noynoy Aquino sa sambayanan sa paggunita sa kamatayan ng kanyang ama na si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Pinangunahan ng dating pangulo ang pagtitipon sa Manila Memorial Park sa Parañaque City para sa ika-35 taong anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy.

Bukod sa pamilya Aquino, present rin sa nasabing pagtitipon ang ilang mag miyembro ng gabinete ng nakalipas na administrasyon.

Nasa okasyon rin sina Sen. Franklin Drilon at Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ng dating pangulo na maraming mga lider ng bansa ang nanindigan makaraang mapatay ang kanyang ama sa pakikipaglaban sa diktadurya.

Ayon kay Aquino, “Nung nawala ho ang tatay natin marami hong tumayo at parang pinuno ‘yung mga papel na ginagampanan niya… Dito na may mga panibago na naman tayong hamon sa lipunan… ilagay lang po natin sa isip natin na hindi bahala si Pedro, si Juan o kung sino man sa pagliligtas sa atin”.

TAGS: death annivesary, manila memorial park, ninoy, Noynoy Aquino, death annivesary, manila memorial park, ninoy, Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.