Balitang engage na si Luis Manzano kay Jessy Mendiola, OK lang kay Ate Vi

Nagsalita na ni Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto hinggil sa kumakalat na balitang engaged na umano ang kaniyang anak na si Kapamilya host Luiz Manzano at Star Magic talent na si Jessy Mendiola.

Sa ika-80 birthday celebration ni Mother Lily Monteverde, sinabi ni Vilma na hindi siya maaaring manguna sa dalawa.

Sina Luis at Jessy aniya dapat ang mag-anunsiyo kung anuman ang totoo sa naturang balita.

Aniya, wala itong problema sa kaniya dahil matanda na aniya si Luis para magdesisyon sa kaniyang buhay.

Pag-aamin ng award-winning actress, napag-uusapan na nina Luis at Jessy ang pag-aasawa.

Tiniyak din nito na may blessing niya kung anuman ang maging desisyon ng dalawa basta’t masaya ang magka-relasyon.

Matatandaang nagsimulang kumalat ang balitang engaged na ang dalawan matapos mag-upload si Luis ng video sa kaniyang Instagram stories na makikitang pinag-uusapan nila ni Jessy ang iba’t ibang tema ng kasal.

Read more...