Pang. Duterte wala pang napipiling ipapalit kay Liza Maza sa NAPC

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 21, 2018 - 12:30 PM

Aminado ang Malakanyang na wala pang napipiling kapalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagbitiw na si National Anti-Poverty Commission Lead Convenor Liza Maza.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hanggang ngayon ay hindi pa nakapagpapasya ang pangulo kung sino ang maaring pumuno sa puwestong iniwan ni Maza.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Go na pipiliin ni Pangulong Duterte ang tulad ni Maza na mayroong kapasidad na pagsilbihan ang mga mahihirap partikular sa anti-poverty drive ng gobyerno.

Muli namang tiniyak ni Go na maayos ang pagpapaalam ni Maza sa pamahalaan dahil sa mga bagay na hindi na napagkakasunduan tulad ng isyu ng peace talks.

Kinumpirma din ni Go na isa sa mga ipinakiusap ni Maza sa ay ang maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa makakaliwang grupo.

 

TAGS: Liza Maza, Napc, Radyo Inquirer, Liza Maza, Napc, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.