Gretchen Ho nanakawan ng bag sa London

By Angellic Jordan August 21, 2018 - 11:10 AM

Nanakawan ang Kapamilya TV host na si Gretchen Ho sa kaniyang pagpunta sa London.

Lumipad si Ho patungong London para suportahan ang pagsali ni Filipino-American rider Coryn Rivera sa taunang Prudential Ride London Classique.

Habang nagsusukat sa isang clothing store, huli na nang mapansin ni Ho na may nagnakaw ng kaniyang bag.

Laman ng naturang bag ang kaniyang pasaporte, ilang card, pera at cellphones.

Maliban dito, sa kaniyang Instagram account, ibinahagi pa ni Ho sa kanyang fans na na-lock pa siya kasama ang ilang kaibigan sa piniling AirBNB sa lugar.

Gayunman, sinabi ni Ho na mas mahalaga sa kaniya ang blessings na natatanggap .

Marami kasi aniyang Pilipino ang pumunta sa kaniya para magbigay ng tulong matapos ang insidente.

May ilang kababayan aniya na nagpahiram ng telepono para makatawag sa kaniyang pamilya sa Pilipinas, may ilang bumili ng pagkain at sinahan siya sa paghintay sa kaniyang kaibigan.

Nagpasalamat naman si Ho sa lahat ng nagpakita ng kabutihan at malasakit sa kaniya.

TAGS: Gretchen Ho, london, Radyo Inquirer, Gretchen Ho, london, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.