Ayon kay Castelo, bagamat naging kontrobersyal ang motorcycle taxis sa Pilipinas naging epektibo naman ito sa mga bansang Indonesia, Thailand, at Vietnam.
Sinabi nito ba malaki ang maitutulong ng motorcycle taxis sa matinding traffic sa bansa dahil maliit ito, hindi makakasikip sa trapiko at mabilis na maihahatid ang pasahero.
Mabibigyan pa anya nito ng hanapbuhay ang nasa 4 na milyon na motorcycle owners na pwedeng i-utilize para sa mga na-i-stranded na pasahero.
Bukod sa motorcycle taxi, iginigiit din ng mambabatas ng lifting ng color coding ng mga bus at pagpapatupad ng Bus Rapid Transit system.
Kapag anya naalis ang number coding sa mga bus hindi magdaagdag ng units ang mga bus company na makatutulong sa pagluwag ng trapiko.
Samantala, mayroon na naman anyang budget na para sa BRT at mas mabilis na magagawa hindi tulad sa mass transport system na tapos na ang administrasyon ay hindi pa natatapos ang rail system.