Paggamit ng motorcycle taxi sa Metro Manila inihirit bilang solusyon sa traffic
Muling binuhay ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang panukala na gumamit ng motorcycle taxis bilang alternatibong solusyon sa problema sa trapiko sa bansa.
Ayon kay Castelo, bagamat naging kontrobersyal ang motorcycle taxis sa Pilipinas naging epektibo naman ito sa mga bansang Indonesia, Thailand, at Vietnam.
Sinabi nito ba malaki ang maitutulong ng motorcycle taxis sa matinding traffic sa bansa dahil maliit ito, hindi makakasikip sa trapiko at mabilis na maihahatid ang pasahero.
Mabibigyan pa anya nito ng hanapbuhay ang nasa 4 na milyon na motorcycle owners na pwedeng i-utilize para sa mga na-i-stranded na pasahero.
Bukod sa motorcycle taxi, iginigiit din ng mambabatas ng lifting ng color coding ng mga bus at pagpapatupad ng Bus Rapid Transit system.
Kapag anya naalis ang number coding sa mga bus hindi magdaagdag ng units ang mga bus company na makatutulong sa pagluwag ng trapiko.
Samantala, mayroon na naman anyang budget na para sa BRT at mas mabilis na magagawa hindi tulad sa mass transport system na tapos na ang administrasyon ay hindi pa natatapos ang rail system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.