PAL may special flights para sa mga naapektuhan ng runway closure sa NAIA

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 21, 2018 - 09:41 AM

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) na magkakaroon sila ng special flights para ma-accommodate ang mga pasaherong naapektuhan at na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa runway closure noong Biyernes.

Kabilang sa inilatag na special flights ng PAL Ang mga sumusunod:

• Flight patungong Vancouver, Canada
Aalis ng alas 6:00 ng gabi ng Martes, August 21

• Flight 1654 patungong Riyadh at Dammam, Saudi Arabia
Aalis ng alas 11:40 ng umaga ng Miyerkules, August 22

Samantala, ngayong araw, sinabi ng PAL na kanselado ang kanilang flight PR 103 galing Los Angeles pabalik ng Manila.

Ang mga apektadong pasahero ng nasabing flight ay isasakay sa flight PR 5103 Los Angeles – Manila na aalis alas 3:30 ng hapon.

Sa datos ng MIAA, umabot sa mahigit 28,000 na mga pasahero ang naapektuhan ng pagsasara ng runway dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.

TAGS: MIAA, NAIA, PAL, special flights, stranded passengers, MIAA, NAIA, PAL, special flights, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.