Medical records ni Pangulong Duterte, hindi kailangang isapubliko – Malakanyang

By Chona Yu August 21, 2018 - 07:48 AM

Wala nang nakikitang rason ang Palasyo ng Malakanyang na isapubliko pa ang medical records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Malakanyang matapos sabihin ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na comatose na si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang saysay ang mga dokumento dahil nakikita naman ng publiko ang pangulo na dumadalo sa iba’t ibang event.

Katunayan, sinabi ni Roque na may nakatakdang public appearance ngayong araw ang pangulo.

Mamayang alas 5:30 ng hapon, dadalo ang pangulo sa Conference of the League of the Municipalities Visayas Clusters sa Blu Hotel sa Cebu City.

TAGS: Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.