Pagpapatrulya sa West Philippine Sea, uulitin ng US

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2015 - 11:19 AM

mischief reef uus lassenBinalewala lamang ng Estados Unidos ang banta ng China matapos ang ginawang pagpapatrulya ng kanilang Warship sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay US Defense Secretary Ashton Carter, muli silang magsasagawa ng parehong operasyon sa nasabing lugar. Ito ay kahit matindi ang binitiwang babala ng China na nagsabing iresponsable ang ginawang aksyon ng US. “The US has conducted naval operations in the South China Sea in recent days and will conduct similar operations in the future,” sinabi ni Carter.

Iginiit ng US na hindi kinakailangan ng special permission ng ginawa nilang paglalayag sa sa West Philippine Sea dahil sakop ito ng international law.

Ayon naman kay White House Principal Deputy Press Secretary Eric Schultz, ang pagpasok sa lugar ng USS Lassen ay bahagi ng freedom of navigation.

Una nang sinabi ng China na gagawin nila ang lahat para protektahan ang kanilang seguridad at interest.

Tinawag ding “completely irresponsible” ng Foreign Ministry ng China ang hakbang ng US. At ipinatawag pa si US ambassador to China, Max Baucus.

TAGS: USNavyBoatNearsWestPHSea, WestPhilippineSea, USNavyBoatNearsWestPHSea, WestPhilippineSea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.