Kinilala lamang ang lalaking suspek sa layas na Jepoy.
Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa panghohold-up at panghahalay ni alyas Jepoy, kaya naman agad silang nagkasa ng followup operation.
Nang ma-corner ng mga pulis ay bumunot ito ng baril at nagpaputok, imbes na sumuko.
Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nang-hold-up muna si alyas Jepoy ng isang lalaki at isang babae. Matapos ito ay hinatak niya papunta sa isang madilim na eskinita ang babae at doon ito pinagsamantalahan.
MOST READ
LATEST STORIES