Pagkamatay ng isang OFW sa Saudi dapat imbestigahan ayon sa CBCP

By Justinne Punsalang August 21, 2018 - 04:49 AM

Ikinalungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkamatay ng isang Pinay household service worker sa Jeddah, Saudi Arabia.

Kaya naman nais ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na maimbestigahan ang ang naturang insidente.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos na siyang ECMI chairman, kailangan ng masusuing imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 52 taong gulang na overseas Filipino worker (OFW).

Aniya pa, dapat protektahan ang bawat isang buhay.

Hinimok din ni Bishop Santos ang pamahalaan ng Pilipinas at Saudi Arabia na gawin ang lahat upang mahanap at maparusahan ang nasa likod ng pagkamatay ng Pinay service worker.

Kasabay nito ay hinimok din ng obispo ang goberyno ng Pilipinas na mag-focus sa pagprotekta sa kapakanan ng bawat isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Nauna naman nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaalama na nila ang sanhi ng pagkamatay ng Pinay service worker na natagpuang walang buhay sa loob ng isang hotel room sa Jeddah.

TAGS: CBCP, ofw, CBCP, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.