Dayuhang suspek sa hit and run arestado sa NAIA

Inquirer file photo

Naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga otoridad ang dayuhang suspek sa hit-and-run sa isang menor de edad na binata sa Roxas Boulevard.

Nakilala ang dayuhan na si Victor Kung, 70 taong gulang.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Traffic Enforcement Unit, naabutan nila ang suspek nang ito ay naghihintay ng kanyang flight na na-delay sa NAIA.

Tumanggi si Kung na humarap sa media, ngunit ayon sa mga otoridad mayroon umanong sakit na iniinda ang suspek.

Batay sa imbestigasyon, patawid ng Roxas Boulevard ang biktimang si Jeremiah Tan nang ito ay mabangga ni Kung.

Sa halip na tulungan ang biktima ay kumaripas ng takbo si Kung gamit ang kanyang minamanehong puting Toyota Avanza.

Nadala pa ito sa ospital maging ang dalawa pang batang nasugatan, ngunit kinalaunan ay binawian ng buhay si Tan.

Sa pamamagitan ng mga saksi na nakuha ang plate number ng suspek at natunton si Kung sa Valenzuela City, kung saan ito ay isang consultant sa isang textile company.

Mahaharap si Kung sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Read more...