Mga otoridad mayroon nang person of interest sa pagkamatay ng isang OFW sa Jeddah

By Justinne Punsalang August 21, 2018 - 04:44 AM

Mayroon nang tinitingnang isang person of interest ang mga otoridad sa Jeddah, Saudi Arabia na posibleng may kinalaman sa pagkamatay sa isang babaeng overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, hindi pa nila maaaring ilabas ang pangalan ng nasabing person of interest ngunit sinabi nito na hindi ito Pilipino.

Ani Badajos, nakilala ang person of interest sa pamamagitan ng nakuhang CCTV footage sa lugar.

Dagdag pa nito, tatlong araw nang nawawala ang hindi pinangalanang 52 taong gulang na OFW bago ito natagpuang walang buhay.

Sa ngayon aniya ay hindi pa rin batid ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ani Badajos, nakatakda silang makipakita sa mga katrabaho ng Pinay worker sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa mga kamag-anak ng OFW sa Sarangani tungkol sa estado ng imbestigasyon.

TAGS: jeddah, ofw, saudi arabia, jeddah, ofw, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.