Yeng Guiao, makikipagpulong sa PBA para pag-usapan ang bubuo ng Gilas sa Fiba World Cup Asian Qualifiers

Makikipagpulong si Coach Yeng Guiao sa pamunuan ng PBA para pag-usapang kung sinu-sino ang bubuo sa Gilas Pilipinas para sa nalalapit na Fiba World Cup Asian Qualifiers.

Isa sa mga problemang kinaharap ni Guiao at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ay ang team na siyang lalaban sa Iran at Qatar sa nasabing torneo.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, ay maganda ang tugon ng PBA pero aniya hindi muna nila ito iniisip hangga’t hindi pa tapos ang Asian Games.

Ito ang naging tugon ni Panlilio, ilang oras matapos ianunsiyo na si Guiao na ang bagong coach ng grupo.

Matatandaang 10 sa mga manlalro nito ang pinatawan ng suspensiyon dahil sa naging gulo sa laban sa Australia.

Dagdag pa ni Panlilio, kailangan ni Guiao na makipagpulong sa PBA kaugnay ng mga gusto niyang mga manlalaro na sasabak sa torneo pero ang importante aniya ay nakasuporta ito para sa bansa.

Read more...